Showing posts with label Who was the longest running President of the Philippines. Show all posts
Showing posts with label Who was the longest running President of the Philippines. Show all posts

Saturday, January 9, 2016

Ferdinand Marcos (1917 - 1989)

Image result for ferdinand marcos young


Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 – 28 Setyembre 1989) ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 – 25 Pebrero 1986. Siya ay isang abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela. Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino.

Si Marcos ay isinilang noong 11 Setyembre 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte.Si Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin ang kaniyang magulang.Mayroong siyang tatlong kapatid, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso 1939. Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa sinasabing kahusayan sa debate at pagtatalumpati at maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas. 

Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo ditong si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo. Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abogado ay hiniling niya sa Kataas-taasang Hukuman na payagan siyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya at pinayagan siya ng Korte Suprema at napawalang sala.

Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, inaangkin ni Marcos na sumapi siya sa United States Army Forces in the Far East bilang Intelligence Adviser Officer o Meydor ng Ika-21 Dibisyon ng Hukbong Lakad. Inangkin ni Marcos na siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa mga Hapones at naging isa sa mga biktima ng Martsa ng Kamatayan sa Bataan. Inangkin niyang siya ay kinulong at pinalaya ng mga Hapones saCapas ngunit siya ay muling dinakip, kinulong at pinahirapan sa Kuta Santiago sa Intramuros, Maynila. Kanyang inangking siya ay nakatakas at nagtatag ng kilusang gerilya sa Hilagang Luzon na tinatawag na "Maharlika". 

Kanya ring inangkin na siya ay isa sa mga magagaling na pinuno ng mga gerilya sa Luzon at ang kanyang diumano’y pinakahanga-hangang katapangawang-gawa ay sa Labanan ng Pasong Bessang at tumulong sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikanong lumaban sa Hapon. Gayunpaman, sa paulit-ulit na imbestigasyon ng United States Army, walang natagpuang basehan ang mga imbestigador sa pag-aangkin ni Marcos ng kanyang inaangking kabayanihan sa mga operasyong militar laban sa mga pwersang Hapones mula 1942 hanggang 1944. 

 Pagkalipas ng tatlong taon, namatay siya noong 28 Setyembre 1989 sa Honolulu, Hawaii sa edad na 72 sa cardiac arrest matapos ng matagal na pakikipaglaban sa mga karamdaman ng bato, baga at puso. Ang bangkay ni Marcos ay inuwi sa Pilipinas noong 1993 at nakatanghal sa isang mausoleo sa Batac, Ilocos Norte. Hiniling ng pamilya Marcos na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani ngunit ito ay sinalungat ng maraming mga politiko at mga biktima ng mga karapatang pantao ni Marcos.